ni REMY UMEREZ

Nag-viral ang rant serye ng batang director na si Darryl Yap at umani ng 320 million views at ngayon ay ginawang serye titled KPL Kung Pwede Lang at streaming sa Vivamax. Nasa cast sina Rosanna Roces, Carlyn Ocampo, Bob Jbeili, Loren Marinas, Dennis Padilla at Dexter Doria. Sila ang pamilya Panting.

Sa soundtrack ay tampok sina Carlyn, This Band, UGG (U GO GIRLS) at 11th Hour band. Pakinggan ang iba'tibang rendisyon ng Huwag Kang Matakot, Pusang Ina at Dati.

Samantala, muling binuhay ng alternative rock band Outplayed sa ilalim ng Blacksheep Records ang Everyday na pinasikat ni Agot Isidro at Natatangi ni Frizzle Anne patungkol sa kung paano nabuo ang isang love letter sa pamamagitan ng kanta. Recorded live at Waterpark naman ang Kung San Ka Masaya mula sa Bandang Lapis. Isang rock tune about a girl na ipinagpalit ang boyfriend sa ibang lalaki.

Drew Arellano, nag-research muna bago 'nagpakapon'