ni LIGHT A. NOLASCO

Patay ang isanghinihinalang drug pusher matapos manlaban sa mga tauhan ng Drug Enforcement Unitng Cabanatuan City Police Station sa ikinasang buy-bust operation saBarangay Magsaysay Norte, Cabanatuan City nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, city police chief, angnapatay na tulak na si Chito Magno, nasa hustong gulang, residente ngBgy. San Juan Accfa na nakipagbarilan sa anti-drug operatives.

Sa imbestgasyon, lumilitaw na nakipagtransaksyon umano angsuspek sa isang police poseur buyer, at nang mahalatang pulis ang ka-deal ay agd itong bumunot ng kanyang cal.38 smith & wesson na walangserial number at pinaputukan ang pulis, pero nagmintis.

Sa pagaganti ng back-up team ay nasapol ang suspek na ikinasawi nito.

Probinsya

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!

Batay sa pagsisiyasat ni Pat. Geraldo Dela Cruz, may hawak ng kaso, dakong 2:00 ng madaling-araw nang mangyari ang encounter sa lugar.

Nakumpiska sa encounter site ang isang cal. 38 revolver mula sanapatay na suspek, 5 basyo ng bala mula sa cal. 9mm pistol, at ilangpakete ng shabu.

Nabatid pa sa report na si Magno ay kabilang sa listahan ng Drug Personalities Watchlist ng CCPS.