ni LEANDRO ALBOROTE

Nalambat kahapon ng mga elemento ng Police Community Precinct (PCP)-8 ang isang 37 anyos na lalaki na sangkot sa kasong estafa sa Barangay Binauganan, Tarlac City.

Ang pag-aresto kay Alexis Asio ng nasabing barangay ay pinangunahan ni Police Lieutenant Julito C. Reyno, commander ng PCP-8.

Ang Warrant of Arrest ay inisyu ni Acting Presiding Judge Rhodalyn Navarro Montemayor-Abas ng MTCC, Branch 2, Tarlac City.

Bilang pagtalima sa panuntunan ay pina-check up muna si Asio sa Tarlac Provincial Hospital para malaman ang kalusugan nito bago dinala sa pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Probinsya

Inabandonang sanggol, natagpuan sa gilid ng creek!