SASAILALIM sa masinsin na paglilinis at disinfection ang buong Rizal Memorial Sports Complex sa Manila kung kaya’y ipinahayag ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pansamantalang pagkabinbin ng mga gawain sa loob ng 10 araw simula sa Martes (Abril 13).

Nakumpirma ang lockdown nang payagan ng Office of the Presidente ang kahilingan ng ahensiya matapos magkaroon ng hawaan sa COVID-19 dahilan sa pagkapositibo ng may 60 empleyado sa RSMC at sa Philsports Arena sa Pasig City.

May kabuuang 91 naman ang isinailalim sa quarantine matapos ang isinagawang contract tracing ng Medical Team ng PSC. Nitong Marso, may 18 napaulat na nagpositibo sa Covid-19, habang isa ang napaulat na namatay bunsod ng kompolikasyon.

Wala pang pormal na memorandum hingil sa lockdown, ngunit ipinahayag ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy ang pagbuo ng 15-man skeletal workforce na siyang mamamahala sa operasyon at maintenance ng mga pasilidad ng PSC sa Manila at sa Pasig.

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!

Matatandaan na sa gitna nang pakikibaka ng pamahalaan sa pandemic, pansamantalang ginawang COVID-19 facility ang Rizal Memorial Basketball Center at kalapit na Ninoy Aquino Stadium na kapwa nasa loob ng RSMC.

Ayon kay PSC Commissioner Charles Maxey walang dapat ipagamba ang mga atleta, higit yaong mga naghahanda sa SEA Games at Olympics na matatanggap ang kanilang mga pangangailangan dahil tuloy ang ‘work-from-home’ ng mga empleyado upang hindi maantala at maapektuhan ang operasyon partikular ang pagbibigay ng mga kaukulang allowances. Marivic Awitan