SA ikasiyam na pagkakataon, naidepensa ng Filipinong boksingero na si Jerwin Ancajas ang kanyang International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight title matapos talunin sa puntos si Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico sa kanilang laban sa Mohegan Sun sa Uncasville, Connecticut nitong Sabado (araw ng Linggo dito sa Pilipinas).

Maagang nakalamang si Ancajas bago matagumpay na nakontrol ang palitan ng kombinasyon sa huling bahagi ng laban upang makamit ang tagumpay sa bisa ng unanimous decision.

Pumabor lahat ng hurado kay Ancajas base sa ibinigay nilang iskor 115-112, 116-111 at 117-110. Ito na ang ika-siyam na matagumpay na title defense ng 29-anyos na si Ancajas sa kanyang titulo.

Napabagsak pa ni Ancajas si Rodriguez sa pamamagitan ng magkakasunod na suntok sa 8th round na halos tumiyak.ng kanyang panalo kasumod ng kanyang pagka korner sa huli mula noong 6th round. Marivic Awitan

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas