Kauna-unahang pro basketball sa South, magsisimula sa Visayas leg sa Abril 9 sa Alcantara, Cebu

Ni Edwin Rollon

WALANG superstars. Walang multi-million contract. Walang endorsers ng anumang brand.

Sa kabila ng mga kakulangan, huwag pagtaasan ng kilay ang bagong liga na magbibigay ng ispirasyon sa bagong henerasyon ng probinsiyano basketball talents. Tunay na hitik sa talento ang mga players at coach na magsisilbing pundasyon sa bagong professional basketball league – Pilipinas VisMin Super Cup – na magsisimula sa inaugural season sa Abril 9 sa makasaysayang ‘bubble set-up’ sa bayan ng Alcantara sa Cebu at sa makasaysayang panahon ng pighati, sakripisyo at katatagan sa panahon ng pandemic.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Minus the usual colorful opening ceremony, the Pilipinas Vismin Super Cup is ready. It’s all system go for the Visayas leg. We will make history. At sa tulong po at adya ng Panginoon, magsisimula po ang ating liga na pawang negative ang resulta ng COVID-19 test ng ating mga players, coaches, personnel at technical officials,” pahayag ni VisMin Cup Chief Executive Officer Rocky Chan.

Mapapanood ng live ang aksyon sa social media account ng Vismin Cup, gayundin sa Youtube at Facebook. Ang delayed telecast ay ipalalabas ng Solar Sports.

“At ang bayan po ng Alcantara na ating venum gayundon po ang minisipalidad n sumasakop dito at zero Covid-19 cases po until now."I don't want to make it official 'coz wala pa sa amin yung official results, but based on the information I got, luckily, walang nag-positive. Everyone is negative," pahayag ni Chan.

May kabuuang 200 personnel ang sumailalim sa Covid-19 test bago pumasok sa ‘bubble’ nitong Marso 30. Ngunit, sinabi ni Chan na muling magsasagawa ng test matapos ang dalawang linggo.

“Under sa guidelines ng IAATF, kailangang ma-test ang lahat ng participants natin sa bubble every 14 days to make sure na walang makakalusot,” sambit ni Chan.

Iginiit ni Chan na prioridad ng liga ang seguridad at kalusugan ng lahat, nguit hindi na nagatubili ang liga na ituloy ang season opening sa gitna ng pandemic upang matugunan ang pangangailangan at matulungan ang mga players at ang komunidad ng basketball na magkaroon ng pagkakakitaan.

“Binuo po natin ang VisMin Cup para sa development ng basketball at higit sa lahat ang mabigyan ng pagkakataon ang mga homegrown players at mga hindi pinalad makapasok sa ibang ligan a makapaglaro at makapag-hanapbuhay para sa kanilang pamilya,” pahayag ni Chan.

Aniya, ang mga may ari ng koponan ang may karapatan para sa suweldo ng players, ngunit inilagay ng liga ang ‘salary sap’ sa P1 milyon kada koponan na binubuo ng 20-man players, 15-to play, kabilang ang anim na homegrown players.

“Ang teams ang bahala sa suweldo pero inimposed natin ang salary cap sa 1P milyon sa loob ng isang taon,”

Ang Vismin Cup na sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB) ay may dalawang leg Visayas at Mindanao at dalawang conference ngayong taon.

Sa kasalukuyan, ang MJAS Talisay City ang ipinapalagay na paborito bunsod sa presensiya ng mga dating PBA at ABL players tulad nina Paulo Hubalde, Patrick Cabahug at Val Acuna.

Bukod sa Talisay sasabah din sa Visayas leg ang Tubigon-Bohol Mariners, AEQ Builders Lapu-Lapu City, KCS Computer Specialist-Cebu City, Siquijor Mystique, Dumaguete Warriors, Tabongon Voyagers, MJAS Talisay Aquastar.

Samantala, ang Mindano leg na gaganapin sa Mayo, sasabak ang Ozamis na pagmamay-ari ni Ramoncito Talisayon, Tawi-Tawi ni team owner Wesley Allen Sun, Pagadian Explorers, Roxas Vanguards, Cagayan de Oro Rafters, Sindanang Saints, Zamboanga City Los Valientes, at Basilan Peace Riders.