SANTIAGO, Isabela  -- Walang lusot ang isang drug pusher nang madakip sa isang drug buy-bust operation ng mga otoridad  sa Brgy. Centro East, Santiago City.

Sa ulat ng awtoridad nitong Huwebes ng gabi, nadakip ang suspek na si Cris Sean Jean Miguel Marquez, 35-anyos, online agent at residente ng Purok 5, Brgy. Malvar sa nasabing siyudad.

Nabentahan ng suspect ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer ng shabu kapalit ang P4,500 na buy-bust money. Nakuha kay Marquez ang isang pekete ng hinihinalang shabu.

Namonitor sa social media ang suspek at doon nagsimula ang transaksiyon. Nabatid na ang suspek ay dati ng naaresto sa kaparehong kaso subalit na-dismissed ang kaso.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon sa PNP. Liezle Basa Inigo