SINIBAK sa pwesto ang dalawang tauhan ng Police Regional Office (PRO) 6 na nagpositibo sa drug test.

Sinabi ni P/Lt. Col. Joem Malong, spokesperson ng Police Regional Office 6, na nagsagawa ng random drug test ang Regional Crime Laboratory sa mahigit 50 mga pulis at nagpositibo ang dalawang kasamahan.

Kabilang sa nagpositibo ay may rangko Police Staff Sergeant, sentinal guard sa Escalante City Police Station(ECPS) at Patrolman na beat patrol sa Binalbagan Municipal Police Station(BMPS).

Mananatili ang mga ito sa Personnel Holding & Accounting Unit habang nagsagasawa ng pre-charge investigation at summary dismissal proceedings ang PRO-6 . Fer Taboy

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog