Davao Cocolife Tigers, kampeon sa MPBL Lakan Cup

SA pagkakataong ito, natengga man ng pandemic, hindi na pinakawalan ng Davao Cococlife Tigers kampeonato.

Kinumpleto ng South Division titlist Davao Occidental Cocolife Tigers ang dominasyon sa karibal at defending champion San Juan Knights sa makapigil-hiningang 89-88 panalo sa overtime upang angkinin ang Lakan Cup crown ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) nitong Linggo sa SBMA gym sa Olongapo City.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

NAGDIWANG ang mga players at coaching staff ng Davao Tigers matapos ang tagumpay laban sa San Juan para sa MPBL Lakan Cup title.

Isang pambali ng gulugod na tres ang ibinigay ni main man Mark Yee sa huling 14 segundo ng extra period ang sumelyo ng panalo para sa Davao Cocolife at tapusin ang best-of-five series sa 3-1.

Ang season's best defensive player na si Yee ay kumamada ng 19 puntos, 12 rebounds at 3 blocks na sumunod kay topscorer Emman Calo na may 22 puntos sa pagtupad ng kanilang misyong 'payback’ time kontra San Juan, bumigo sa kanila sa nakalipa sna season.

Sa pagsultada ng bakbakan, agad nagparamdam ang Tigers ng kanilang bangis nang lumamang ng 16 puntos sa unang yugto pero hindi bumigay ang San Juan sa pangunguna ni season MVP John Wilson, Jonnard Clarito, Larry Rodriguez at Mike Ayonayon upang idikit ang laban.

Ang Davao Occidental Tigers nina team owners Gov. Claude Bautista, Rep. Claudine Bautista, manager Dinko Bautista, basketball operation head Bong Baribar na suportado nina Cocolife president Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque, ay nakuhang limitahan ang top gunner ng Knights na si Wilson partikular sa endgame.

"Ramdam ko ang basbas ni God nang pawalan ko ang tres na iyon.Salamat Po!,” pahayag ni Yee sa pagtanggap ng kanyang finals MVP.

"Sobrang sarap ng Gift of God na nagpasulit sa paghihirap ng buong team dito sa bubble" pahayag naman ni deputy manager Ray Alao na pinasalamatan at ang pangunahing taga-suporta na Cocolife.

"We have big God from the start.Cocolife really believe in the management and all the members of the team as we will continue to support Davao Occidental Tigers if they wish to continue next season," paniyak ni SVP Ronquillo na sinegundahan ni VP Asnan.

"Cocolife has always believed in the capability of the team to rise despite the odds. The challenges that we have faced in the past pushed us to work harder and be smarter. It’s all about passion, respect and love for the team and the game. We offer everything to the Almighty".

Iskor:

Davao Occidental (89) - Calo 22, Yee 19, Terso 11, Robles 11, Mocon 9, Balagtas 8, Gaco 4, Saldua 3, Custodio 2, Albo 0, Ludovice 0.

San Juan (88) - Rodriguez 19, Clarito 18, Isit 14, Wilson 13, Wamar 7, Tajonera 6, Gabawan 4, Ayonayon 3, Aquino 2, Estrella 2, Pelayo 0, Reyes 0.

Quarterscores: 24-18, 40-31, 56-60, 80-80. 89-88.