TINALO ng Laguna Heroes ang Quezon City Simba’s Tribe, 20-1, tungo sa overall lead sa pagtatapos ng PCAP eliminations nitong Sabado sa chess. com.
Nakitaan ang Heroes ng collective effort sa rapid game kung saan sina 2-time Asian Junior Champion Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr., Fide Master Austin Jacob Literatus, Woman National Master Jean Karen Enriquez, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Grandmaster John Paul Gomez, Vince Angelo Medina at Kimuel Aaron Lorenzo ay nag poste ng panalo.
Nakapuwersa naman ng tabla sina National Master Carlos Edgardo Garma at Benjamin Lising kontra kina FM Literatus at GM Gomez, ayon sa pagkakasunod.
Suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic at Rotary Club of Nuvali ay panalo ang Laguna sa Quezon City sa blitz (6-1) at rapid (14-0).
Ang Laguna team ay nakapag marka ng 30-4 karta, kaparehas ng iskor na naitala ng San Juan at Iloilo, ngunit nakamit ng Laguna ang overall top notcher na may 509 puntos. Magsisimula ang Playoffs sa Miyerkules (Marso 24).