Ni REMY UMEREZ

 KUNG noon react agad si Sharon Cuneta sa mga bashers, today ay hinay-hinay na lang siya at iniiwasang mapikon.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

“Bago sa akin noon ang social media at madali akong maapektuhan. I’m shocked because they are rude. Then naisip kong sino ba ang mga ito at ano ang motibo? Ayokong aksayahin ang panahon ko.” Pero ibang usapan na kapag pamilya at mga anak ang iniinsulto at hindi ito palalagpasin ng Megastar. Madalas ma-bash si Frankie sa kanyang matapang na opinyon. Agad dini-delete ni Shawie kung hindi niya naiibigan ang sinasabi kay Frankie.

Samantala, hinggil sa Revirginized na comeback movie ni Sharon sa Viva, nagpasalamat siya sa pagkakaroon ng asawang nauunawaan ang kanyang trabaho bilang artista. Magaspang at offbeat ang humor ng pelikulang sinulat at dinirek ni Darryl Yap. Bagay na ngayon lamang gagawin ni Shawie mula ng siya ay mag-artista.