ni Nitz Miralles

NGAYONG Lunes na, March 15, ang world premiere ng First Yaya, ang first rom-com series na ginawa ni Sanya Lopez at ang maganda pa, sa three channels ng GMA Network ito mapapanood. Sabay-sabay na mapapanood 8pm., ng gabi ang series sa GMA-7, Heart of Asia, at GTV, kaya mas marami ang makakapanood.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Excited na si Sanya sa magiging feedback ng Kapuso viewers dahil bagong teritoryo sa kanya ang rom-com series.

“Bago kasi sa akin ang rom-com, si Director LA (Madridejos) ang nag-introduce sa akin kung paano siya atakihin at may movies siyang pinapanood para makatulong sa akin. Pero sinabi niya sa akin na maging ikaw lang, just be yourself, kahit wala ka ng ibang gagayahin, ‘wag kang umarte at ikaw na si Yaya Melody,” kuwento ni Sanya.

Ginagampanan ni Sanya sa “First Yaya” ang role ng yaya sa mga anak ng Presidente ng bansa, bagay na hindi nab ago sa kanya. Bago mag-showbis, nag-alaga sa lola niya si Sanya at sa kanyang mga pamangkin. Nagpapalit siya ng diapers at nagtitimpla ng gatas, kaya alam na niya kung paano gumalaw at kumilos bilang yaya.

Natanong si Sanya kung after “First Yaya,” babalikan pa ba niya ang pagganap sa mga sexy roles kung saan siya nakilala

“As of now, concentrate muna ako sa “First Yaya” na pambata pero, depende kung maganda ang offer at may matututunan. Saka, management ang magde-decide kung babalik pa rin tayo sa sexy roles,” sagot ni Sanya.