Ni REMY UMEREZ

ILANG taong nawala sa limelight si Diego Loyzaga. Namalagi ang aktor sa Australia to recharge. Pag-amin ng aktor, “I need a break and to reflect kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay.” Huling napanood si Diego sa Los Bastardos noong 2018.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Balik-showbiz ang anak ni Cesar Montano bilang leading man ni Cristine Reyes sa Philippine adaptation ng Korean series na Encounter.

Isa itong love story nina Gino at ng kanyang Boss na si Selena, na isang hotel chain owner. Bilang paghahanda ay pinanood nila ang Korean version.

Para kay direk Jeffrey Jeturian, maganda ang chemistry ng dalawa and he is capitalizing on Diego’s youth at freshness. Ang orihinal na plano ay sa ibang bansa kunan ang Encounter pero hindi itinuloy dahil sa pandemic.

Ang galing ni Cesar sa pag-arte ay naipasa sa anak ayon kay direk. Panahon na para pagtambalin ang mag-ama. Matagal nang out of circulation si Cesar.