Ni REMY UMEREZ

Ang Encounter ay unang pagtatambal nina Cristine Reyes at ang nagbabalik-show­biz na si Diego Loyzaga. Ito ay Pinoy adaptation ng 2018 Ko­rean hit series na pinagbidahan nina Song Hye- Kyo at Park Bo-Gum.

Ikinagulat ni direk Jeffrey Je­turian ang malaking pagbabago ni Cristine.

Tsika at Intriga

'Mahal ka palagi ni Lord, Joven!' Nico Waje, host ng 'Customs Check Pilipinas'

“Hindi na siya ang malditang nakatrabaho ko noon. She is now more mature, professional at may malasakit sa co-workers,” ani direk Jeffrey.

Big fan ng K drama ang aktres ever since. Sa Encounter, maya­man at hiwalay sa asawan ang papel ni Cristine, at makikilala ang karakter ni Diego. Agad sil­ang maa-attrack sa isa’t isa.

Sinabi ni Cristine na she has to work harder para sa sarili at anak.

Mapapanood na ang Encoun­ter sa Marso 20, at 8 pm.