ni Annie Abad

PORMAL nang nilagdaan nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William I. Ramirez at Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera III ang Memorandum of Agreement para sa pagpapa-unlad ng Tertiary School Sports nitong Miyerkoles na ginanap sa CHED Auditorium, sa Diliman, Quezon City.

“I am so happy for this new forged partnership with CHED. They have been a brother to the PSC because as a small agency, we cannot be effective and succeed without the help of other agencies,” pahayag ni Ramirez sa kanyang talumpati sa ginanap na media conference via Zoom.

Naniniwala ang PSC Chief na ang pagsasanib-puwersa ng dalawang ahensiya ay makakatulong sa pagpapalawig ng sports program at makakadiskubre pa ng maraming talento hindi lamang ng mga atleta sa collegiate level kundi pati na rin mga magagaling na coach.

Trending

Girlfriend, kinamuhian ng jowa dahil aksidenteng nalabhan ang relo nito

RAMIREZ: Napapanahon para sa student-athletes. PSC PHOTOS

“This gives us the missing link in providing a professional development in continuous sports education and will cater more to the educational aspect of our teachers in coaching,” ani Ramirez.

Malugod naman na tinanggap ni De Vera ang nasabing MOA at nangako na susuportahan ng Kagawaran ang pampalakasan sa tertiary level.

“We welcome this memorandum of agreement as it will allow us to join forces with the PSC in joint projects that we can initiate. We commit the support of CHED in all the undertakings on higher education sports development and wellness,” ayon kay De Vera.

Kabilang sa layunin ng nasabing MOA, ay ang magamit ang pagkakaisa ng dalawang partido upang masiguro ang matibay na Sports Development Plans.

Nangako din ng pagtutulungan ang PSC at CHED upang mabigyan ng magandang training ang mga student-athletes, coaches at mga sports officials sa Higher Education sa pamamagitan ng Professional Development