ni Dave M. Veridiano, E.E.
HINDI pa naman alarming, pero tumataas ang bilang ng mga nadapuan ng deadly coronavirus 2019 (COVID-19) dito sa Metro Manila at mga kanugnog lalawigan, kaya’t marubrob ang paalala ng mga eksperto sa mamamayan, lalo na sa mga senior citizen na katulad ko, na mag-doble ingat – iwasan muna ang walang kabuluhang paggala sa mga kritikal na lugar.
Ang mensaheng ito ay pagkumpirma ni Prof. Guido David, dalubhasa mula sa University of the Philippines (UP) OCTA Research, sa nagba-viral na “private message” sa social media -- na halos puno na ng mga bagong dina Kalakhang Maynila.
Sa online news forum na Balitaan sa Maynila kahapon, sinabi ni Prof David na hindi pa naman naka-aalarma ito dahil ‘di pa umaabot sa 100 porsiyento ang pagtaas ng bilang ng mga pasyente, pero mula sa dating halos 10 % lamang ay na nadoble na ito pagkaraan ng dalawang linggo, kaya dapat na itong bantayan at bigyang pansin.
Ang paulit-ulit niyang paalala sa lahat – lalo na sa mga senior citizen – ingat pa more, bawasan ang paggala, stay at home na muna, kung ‘di rin lang naman kailangan na lumabas, at kung nasa labas naman, umiwas na lamang sa sobrang mataong lugar lalo pa’t kulob ang hangin dito.
Kung papipiliin siya sa mga available na bakuna mariin ang sagot niya na walang pinapanigan kundi: “kahit mababa ang efficacy ng bakuna, mas mabuti na ito kesa walang proteksyon ang ating katawan laban sa deadly virus na ito.”
Ganyan din ang payo ni Quezon City councilor at kasalukuyang pangulo ng Senior Citizens Association of the Philippines (SCAP) Jorge Banal Sr., sa nasabing news forum: “Ako po ay 81 years old na at halos isang taon nang naka-“house arrest”. Kailangan nating mag-ingat dahil napaka-deadly nitong ‘di natin nakikitang kaaway na marahil ay parusa na sa ating mga kasalanan. Sundin lang natin ang mga itinakdang protocol ng pamahalaan at para rin ito sa ating kapakanan.”
Nauna nang kinumpirma ni Department of Health (DoH) Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na dumarami na naman ang mga pasyente ng COVID-19 na nako-confine sa mga pagamutan nitong mga nakalipas na linggo. “We have been receiving reports na meron talagang pagtaas ng mga numero ng mga pasyente sa ating mga ospital for COVID-19 cases,” ani Usec Vergeire.
Pero kahit na ganito ang sitwasyon ay wala pa namang nagaganap na second wave o surge ng COVID-19. Dagdag pa niya: “Ang sinasabi namin there is a marked increase of cases. We are not going to say na it’s a ‘wave,’ it’s a ‘surge.’ Wala na ho tayong mga terminology na ganyan dahil naguguluhan po ang ating mga kababayan.”
Sa paniwala ng DoH tumataas ang kaso ng COVID-19 hindi lang dahil sa mga bagong variants bagkus dahil na rin sa mga pasaway nating kababayan na binabalewala ang mga nakalatag na health protocols. Ang mga bagong variants -- ang UK variant at ang South African o B 1.361 variant -- sa bansa ay “aggravating factors” lamang at ang tunay na dahilan ng pagtaas ay ang hindi pagsunod ng karamihan sa itinakdang “minimum health standards” ng DoH.
Batay sa tala ng DoH ay umabot na sa 3,439 (nitong weekend) ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 na maituturing na pinakamataas simula ng magkaroon ng pandemiya sa bansa.
Para sa ating mga kababayan – ‘wag sanang balewalain ang health protocols, at sa mga ka-senior d’yan – INGAT pa more, stay at home lang muna tayo para iwas COVID-19!
Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]puan ng COVID-19 ang mga malalaking ospital sa