Ni MARY ANN SANTIAGO
Binalaan ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang publiko kaugnay ng kumakalat na -mail scam, na gumagamit ng pangalan ng kanilang tanggapan upang makapanloko.
Ayon sa PHLPost, modus ng mga naturang tiwaling indibidwal na kontakin ang bibiktimahin, sa pamamagitan ng email, text o social media messages, na may nagpadala sa kanila ng parcel o sulat na dapat kunin sa post office, gayunman, sasabihin na mayroon itong kaukulang bayad.
“Pinapaalalahanan ng Philippine Postal Corporation (PHLPOST) ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga email, text o social media messages na nagsasabing sila ay mayroong parsela o sulat na dapat kunin sa post office na may kaukulang bayad,” paabiso ng PHLPost.
“Nadiskubre ng nasabing tanggapan na may mga impostor na ginagamit ang pangalan nito para makapanloko sa sinumang mabibiktima ng modus na ito.”
Kaugnay nito, pinayuhan naman ng PHLPost ang publiko na alamin muna kung may tracking o parcel number ito at saka beripikahin sa Phlpost Customer Service sa Tel. No. 8527-0111 at 827-0107 upang makasiguro