Ni NITZ MIRALLES

Pati mga kaibigan sa indus­triya ay masaya at suportado ang tambalan nina Bea Alonzo at Alden Richards sa Philippine adaptation ng Japanese drama na Pure Soul na ang South Korean version ay titled A Moment to Remember.

Pelikula

Jennylyn Mercado, naniniwalang importante sinumpaang pangako ng mag-asawa

Nang i-post ni Bea ang photos nila ni Alden Richard sa contract signing ng three movie produc­tions na magpoprodyus nito, positive ang reaction ng mga taga-industry. Excited at masaya ang lahat at kahit hindi pa nag­sisimula ang lock-in shooting, nagpahayag na sila ng suporta.

Post ni Bea: “Finally doing a movie with this one! Iam so ex­cited! @aldenrichards02. We are making the Philippine adaptation of the Korean film, “A Moment to Remember.”

“Thank you, Viva Films, for offering me this movie and for paving the way so this could all be possible. It’s going to be co-produced by GMAFilms, Viva Films, and APT Entertainment.

“Ilove making films, and there is no better way to celebrate my 20 years in the business but to do movies.”

Sunod na aabangan ng fans ay kung mag-guest si Bea sa shows ng GMA-7 para sa pro­mo ng pelikula nila ni Alden. Wala ng kontrata sa ABS-CBNsi Bea at nabanggit nito minsan sa isang interview na free siyang lumabas sa ibang network, kaya posible ngang mapanood si Bea sa GMA-7.

Sa March 14, ang sinasabing simula ng lock-in shooting ng Bea-Alden movie at bago ito, magwu-workshop muna sila under Noni Buencamino. Ang hindi pa nababanggit at kung sino ang kanilang makakasama at kung kailan ang playdate ng pelikula.