ni Orly L.Barcala

Tinupok ng apoy ang dalawang abandonadong barko na naglalaman ng tambak na mga basura habang nakadaong sa baybayin dagat ng Navotas, kamakalawa ng hapon.

Kuwento ng mangingisdang si Jay Laraya, pasado alas singkobng hapon nang makita niyang umuusok ang isa sa mga cargo ship sa Pier 5 ng Navara’s Fish Port.

“Noong una ay mahina lang ang usok , pero habang tumatagal ay palakas na palakas ang usok at maitim pa,” sabi ni Laraya. Dahil sa pangyayari tumawag na ng bumbero ang mga residente na malapit sa pinangyarihan ng sunog.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire ng Navotas, nagmula ang apoy sa fender sa pagitan ng dalawang barko, Buena Suerte J-56 at Buena Suerte Resia.

Inaalam pa rin nila ang sanhi ng sunog dahil wala namang tao ng mga sandaling iyon. Lumakas ang apoy dahil puro basura ang laman ng mga barko na pag-aari ng BSJ Fishing and Trading.

Tumagal ng limang oras bago naapula ang sunog. Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente