Ni NORA V. CALDERON
NAGHIHINTAY na pala ang mga fans sa interview ng cast ng Legal Wives na nagtatampok kay Dennis Trillo at sa kanyang tatlong ‘legal wives’ na sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali. Ang hinihintay daw ng mga netizens, ay kung magsasalita na si Andrea tungkol sa break-up nila ni Derek Ramsay at ang pagka-cancel ng project na dapat ay muli nilang pagsasamahan, after The Better Woman, ang action series na Sanggang Dikit.

Since November 2020, na nag-break sina Andrea at Derek, nanatiling tikom ang bibig ni Andrea at wala ka ring mababasa sa kanyang social media accounts, maliban sa mga posts ng mga sexy photos niya. At nag-lock-in taping na nga sila ng “Legal Wives” kaya lalong walang narinig mula kay Andrea. Very soon ay mapapanood na ang “Legal Wives” na dinirek ni Zig Dulay, ang director din ng cultural drama na Sahaya.
Kung nabigyan agad ng bagong project si Andrea ng GMA Network, wala pang balita kung may gagawin nang bago si Derek sa kanila