Ni REMY UMEREZ
Dalawang beses naudlot ang pagpasok ng anak ni Jinggoy Estrada na si Jolo sa showbis. Noon pa siya inalok pero mas piniling mag-focus sa kanyang pag-aaral. Graduate si Jolo ng Entrepreneurship mula sa Enderun Colleges.

Sa unang tingin ay medyo kahawig niya si Tony Labrusca at macho ang dating. Whether marunong siyang umarte remains to be seen. Naging masigasig ang talent manager ni Leo Dominguez na i-manage ang showbiz career ni Jolo at hindi siya nabigo. Suportado na kanyang mga magulang ang desisyon ng anak.
“I’m giving it a try since I’m not getting any younger,” wika ng bagong hunk sa stable of talents ni Leo.
Tatlo sa artistang nais maka-trabaho ni Jolo ay sina Ivana Alawi, Bea Alonzo at Angelica Panganiban. Kahit daw anong role ay nagagampanan ni Angelica. Ang tatlong pinaka-sexy para kay Jolo ay sina Pia Wurtzbach, Ivana at Nadine Lustre. Ipaubaya natin kay Leo ang mga hakbang niyang gagawin para sa mabilis na pagsikat ni Jolo Estrada whose another asset ay magaling umawit.