KAKAIBANG pelikula ang inihahandog ngayong New Year 2021 ng Viva Films titled Kaka.

At ang kanilang catchlines dito goes like this…

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Heto na si Kaka, bubuka-bukaka@” na tipong may kinalaman sa sex or sexlife ng mga utaw.

Pinangungunahan niSunshine Gulmaryang lead cast ng “Kaka” as Katherine Bataan a.k.a. DJ Kaka na number one sex therapist. Para kay Kaka, ang sex ay hindi lang career, lifestyle at hobby niya rin. Kahit ilang beses nang sinuko ang Kahit ilang beses nang sinuko ang Bataan, never pa siyang naligayahan. Until one night, he encounters a mystery man wearing a wolf costume at nabigyan siya nito ng magic-O. For her, he’s the one at gagawin niya lahat para makita ito..

Leading men niya dito sina Jerald Napoles as Jorge at si Ion Perez as Levi.

Dito sa “Kaka” movie ay suportado rin ni Rosanna Roces ang tatlong bida. Ang role dito ni Rosanna ay si Mama Kams, Nanay ni Kaka, Dra. Kamila Bataan. Malumanay magsalita. OB-GYN kaya madalas nito i-discuss ang female genitalia kay Kaka noong bata and very open sa conversations about sex. Suportado rin ng veteran actress na si Gina Pareno ang Kaka movie ng Viva Films Lolita Kiri, ang lola ni Kaka. Very wild kahit matanda na. Experimental at maraming gustong style/position sa buong film. Kaya nga dun sa virtual zoom preskon ng Kaka ay natanong ko itong si Gina Pareno kung it’s not yet too late for a Senior Citizen to have sex with anyone na type nila or labs nila in real life. Isang matunog na halakhak lang muna ang isinagot ni Ms. Gina tas sabay sabing...go...go...gowww...pero pack up na ako diyan, hahaha!”

Kasama rin dito saKakamovie sinaMaui Taylor,Debbie Garcia,Jackie Gonzaga,Lander Vera Perez,Gizelle Sanchez,Andrea del Rosario,Samantha Page,Ronnie Liangat marami pang iba.

Sa direction at panulat ni GBSan Pedroat siCoon Escobarnaman ang gumawa ng screenplay.

Huwag nyo nang itanong kung KAKA-ELYA ang said movie. Basta panoorin nyo na lang kapag ito ay naipalabas na sa mga sinehan.

-MERCY LEJARDE