Nasa 127 pang Pinoy ang panibagong naidagdag sa nahawaan ng coronavirus disease 2019 sa ibang bansa.
“The reported spike is due to another surge in COVID-19 cases reported in one country in Europe,” ayon sa DFA.
Sa datos ng ahensya, pumalo na sa 13,760 Pinoy ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID- 19 mula sa 84 bansa at teritoryo sa daigdig; 8,794 dito ang nakarekober o gumaling na mula sa sakit; 4,022 naman ang active cases o patuloy na nagpapagaling/ sumasailalim sa gamutan habang 944 ang naitalang namatay sa virus.
-Bella Gamotea