SINIMULAN ng Allianz  ang walong taong tambalan sa Olympic at Paralympic Movements  ngayong bagong taon, isang pagpapatibay sa nasimulang pakikipagtambalan sa Paralympic movement mula noong  2006.

“Allianz is proud to be the ‘Worldwide Insurance Partner”’of the Olympic & Paralympic Movements,” pahayag ni Oliver Bäte, Chief Executive Officer of Allianz SE.

“As a supporter of the sports ecosystem and through shared core values of excellence, friendship, inclusion and respect, Allianz and our 148,000 employees and 100,000 agents are excited to care and deliver for athletes, their families and their ambitions.”

Mula nang maipahayag ang partnership nitong September 2018, sinimulan ng kumpanya ang programa para sa kalusugan ng mga tagahanga, atleta at empleyado sa apat na pilot markets – Australia, China, France at Spain. Kinatigan ng Allianz ang Australian Olympic Committee’s Wellbeing Week upang maisulong ang matibay na panuntunan para sa aspeto ng mental health.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nakikipagtulungan din ang Allianz sa Organizing Committee Olympic Games Paris 2024 para mahikayat ang mamamayan na dumalo at makiisa sa ‘walk and run for Club Paris 2024’.

 “Having announced this new agreement in 2018, our teams have already been working together in key pilot markets to support athletes and the Olympic Movement,” sambit ni IOC President Thomas Bach. “As we start this new Olympic year, we are excited to begin in earnest our global collaboration with Allianz.”

“Allianz brings global visibility to the athletes and values of the Paralympic Movement and we look forward to our next phase working together,” pahayag naman ni IPC President Andrew Parsons.