NAPAHIYA ang basher ni Sharon Cuneta na nag-comment ng “balyena byan? Hehe” na ang tinutukoy ay si Sharon na nag-post ng litrato niyang naka-swimsuit at nasa dagat.

sharon

Hindi nagalit si Sharon at sa halip, sinagot ang basher ng “Dugong naman” na ang tinukoy naman ay ang nam-bash sa kanya. Natawa ang netizens at si basher, hindi na nakahirit. Napahiya si ate o si kuya sa balik ni Sharon.

Aminado naman si Sharon na hindi pa niya na-a-achieve ang kanyang weight goal, pero ang laki na ng kanyang ipinayat after mawala anh 20 lbs., at keri na niyang magsuot ng swimsuit. In fact, pinansin ng mas nakararami ang pagiging makinis at maputi ni Sharon kahit 55 years old na siya.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Kaya ‘yung nag-comment pa ng “One is a dolphin. The other one is a beluga,” ay hindi na pinansin ni Sharon. Ang fans na nito ang sumagot sa basher at tama ang sinabi nilang kung payat man si basher, wala pa rin siyang laban kay Sharon na mayaman at ang basher ay nananatiling mahirap.

Nitz Miralles