CAGAYAN – Nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang kuta ng New People’s Army (NPA) matapos ang 20 minutong sagupaan ng dalawang grupo sa Barangay Bural, Rizal sa nasabing lalawigan, kamakailan.

Sa ulat kahapon ng Cagayan Provincial Information Office, nasa 20 na rebelde na pinamumunuan umano ng isang “Ka Simoy” ang nakaengkuwentro ng militar.

Walang naiulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan. Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang siyam na Jungle packs, walong improvised explosive device (IED), dalawang rifle grenades, tatlong Cal. 45 pistol, tatlong shot gun at assorted na bala ng matataas na kalibre ng baril.

Liezle Basa Iñigo
Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay