Thankful and blessed si Bea Alonzo, dahil kahit patapos na ang 2020 ay may bago pa siyang endorsement na pumasok.
Pinost ng aktres ang good news sa kanyang Instagram account. “The secret is out! I am now officially a part of the Beautederm Family,” sinabi niya.
Yes, si Bea ang brand ambassador ng Beautederm for Etre Clair All-Natural Antibacterial Mouth Spay! Matagal na palang gusto siyang kuning endorser ng isa sa mga products na inilo-launch ni Ms. Rhea Tan, CEO ng Beautederm. Kaya isinabay na ni Ms. Tan ang paglo-launch kay Bea sa kanyang birthday, ganoon din ni-launch na ang TVCommercial ng said product.
Nagpaoasalamat naman si Bea.
“It feels great! I’ve always been curious about the brand. I like how it progressed and how its family grew so fast. Many of my friends are part of the Beautederm family and I’m happy that I can finally endorse this brand along with them,” aniya.
Nasa bagong manager na si Bea, kay Shirley Kuan, matapos niyang iwan ang Star Magic after 19 years.
Katatapos din lamang mag-shoot ni Bea ng solo TVC niya para sa isang brand ng shampoo. At marami nang naghihintay ng mga bagong projects na gagawin ni Bea sa pagpasok ng 2021. Isa na rito kung matutuloy ang muli nilang pagtatambal ng paborito niyang leading man na si John Lloyd Cruz na balitang magbabalik na rin sa showbiz.
-Nora V. Calderon