SA solo preskon ng isa sa newcomer stars ng Godfather Film Productions Anak Ng Macho Dancer ay ang kinis-kinis ng wankatitat from fezlak to toe ni Ricky Gumera na ito’y maghubad ng naka-brief lang at lumangoy sa swimming pool ng Alphaland City Land sa Ayala Extention Makati City kung kaya ‘di kami makapaniwala na laking squatter area siya.

“Wala pong maniwala na I was brought up by my Lolo and Lola in a squatters’ area. Kasi bakit daw ang kinis ng balat ko. Inalagaan ko lang talaga.”

Ah, okay.

Pero pagkatapos ng shooting niya sa Anak Ng Macho Dancer ay hindi siya makapaniwalang binigyan siya nang kanilang Producer Joed Serrano ng house and lot.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

“Parang hindi pa rin ako makapaniwala na binigyan ako ni Boss Joed ng bonus nang matapos ang shooting. At the same time, in my case, pinahanapan niya na ako through my manager Meg Perez ng bahay na malilipatan namin for a year. Gusto ko pa rin kasing maipaayos ang bahay namin dahil doon ako pinalaki kasama ng maraming memories.”

Good. Lucky you, Ricky Gumera! But teka lang, no malice meant or offense meant, wala ba namang kapalit na s** yun since aminado naman si Joed na siya ay isang tunay na vaklesh as in bading in real life?

“Wala po. Mabait at talagang generous lang po sa aming lahat ng Anak Ng Macho Dancer cast si Boss Joed. Napakabuti at napakabait niya po hindi lamang sa amin kundi pati na rin po sa lahat ng kanyang kaibigan.”

Pagpa-patotoo pa nitong si Ricky na tipong may future sa larangan ng showbiz industry after ng pandemic COVID-19 sa true lang.

Well, Ricky goodluck sa inyong mga newcomers na gumanap na Anak Ng Macho Dancer na showing na sooner than soon.

Lalo na sa inyong mabait, generous at magandang Producer na si Joed Serrano of Godfather Film Productions.

-MERCY LEJARDE