Isa pang listahan ng 64 na opisyal ng gobyerno na natanggal dahil sa mga paratang sa katiwalian ang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi.

Kasama sa listahan ng Pangulo ng dating alagad ng publiko ang isang dating miyembro ng Gabinete, ilang alkalde, pulis, opisyal ng barangay, at iba pang tauhan ng gobyerno mula sa iba`t ibang ahensya.

“We have come to the part where I have to honor my commitment to the people to report the progress of our campaign against graft and corruption,” sinabi ni Duterte sa kanya g televised address nitong Lunes ng gabi.

“May mga pangalan dito na nagkakaso pero nadesisyunan lang ngayon lang. So you know, iyong naabutan na sila ng panahon. Itong mga ito nadismiss ito with finality ngayon lang itong taon na ‘to,” sinabi niya.

Hanash ni Roque: 'May karapatan akong tawaging bangag si Marcos Jr!'

Kabilang sa mga opisyal na binanggit ng Pangulo ay sina dating Agrarian Reform Nasser Pangandaman at dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

-GENALYN KABILING