Naramdaman ng mga residente ng Benguet ang matinding lamig kahapon.
Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), aabot sa 9.9 degrees Celsius ang lamig na naitala sa agrometeorology station ng Benguet State University sa La Trinidad sa nasabing lalawigan, kahapon ng umaga.
Bumagsak ng bahagya ang nasabing temperatura kumpara sa 10.0 degrees Celsius na naitala sa nasabing lugar nitong Miyerkules ng umaga.
Ipinaliwanag naman ni weather specialist Raymond Ordinario ng PAGASA, said the 9.9 degrees Celsius minimum air temperature was registered at the agrometeorology station of the Benguet State University in La Trinidad, Benguet.
Sa Baguio City, naitala naman ang bagsak na temperaturang 13.8 degrees Celsius, kahapon, dakong 4:55 ng umaga.
Sinabi pa ni Ordinario na resulta lamang ito ng umiiral na northeast monsoon o “amihan” na nagdadala ng malamig na simoy ng hanging sa bansa.
Sa kasaysayan, naitala ang pinakamalamig na temperatura sa bansa sa Baguio City nang maramdaman ang 6.3 degrees Celsius noong Enero 18, 1961.
-Ellalyn de Vera-Ruiz