Magkahiwalay na bumisita sa Cagayan nitong Linggo ang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa para personal na alamin ang sitwasyon sa binahang rehiyon.
bayan ng Alcala at Amulung Cagayan katuwang ang Philippine Air Force at Philippine Coast Guard, kahapon
Dumating sa Tuguegarao City si Pangulong Rodrigo Duterte para magsagawa ng aerial inspection sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong ‘Ulysses.’
Sa larawang ibinahagi ni DPWH Sec. Mark Villar, makikita na kasamang lumapag ni Duterte sinabSen. Christopher “Bong” Go, Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pa.
Nagdaos ng press briefing ang presidente matapos ang aktibidad.
Agad makabangon ang pakay ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta baha sa Cagayan Valley.
“We know your anguish and we will respond with urgency. With the bayanihan spirit of the Filipino, I am confident that together we will brave all the challenges ahead and emerge stronger as a nation,” sinabi niya sa mga biktima.
Naunang dumating kaysa sa Pangulo si Bise Presidente Leni Robredo para tingnan ang kalagayan ng mga binahang komunidad, kung saan naghatid siya ng relief assistance sa mga apektadonv residente.
Si Robredo ay nagtungo sa Centro at Linao East, kapwa sa Tuguegarao City. Ang mga bahay sa mga barangay na ito ay nalubog sa tubig-baha matapos ang paghagupit ng Ulysses.
“We arrived in Cagayan this morning. Our team arrived a few hours earlier with supplies,” sinabi niya sa isang Twitter post.
Idinagdag ng VP na “many areas are still flooded but water receded already.”
Nag-live sa kanyang Facebook Page si Robredo sa kanyang pagbisita sa Tuguegarao City. Sinamahan siya ni Councilor Marj Poblete Martin.
Sinabi ni Robredo na bibisitahin din niya ang Isabela.
Ibinahagi rin niya ang mga karanasan ng mga taong nagkuwento sa kanya tungkol sa matinding pagbaha sa kanilang mga lugar na umabot hanggang sa 16 talampakan. “There were 46 of 49 barangays which were underwater, but now a few is only left flooded.”
Nagpapatuloy ang rescue at relief operations sa Cagayan at Isabela upang tulungan ang mga nasalanta ng bagyo. Ang parehong mga lalawigan ay inilagay sa ilalim ng state of calamity dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyong Ulysses at pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam
Batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 67 ang namatay sa buong Luzon dahil sa bagyong Ulysses.
-BETH CAMIA, JUN FABON at RAYMUN ANTONIO