PINATIBAY ng Princess Eowyn ang pagrereyna sa Sampaguita Stakes Race matapos ang isa pang kahanga-hangang panalo nitong Linggo sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.

Sa pagkakataong ito, sa gabay ni star jockey JB Hernandez, muling nangibabaw ang lakas at bigwas nang mga paa ng Princess Eowyn laban sa Obra Maestra sa makapigil-hiningang two-horse battle, bago tuluyang nakahirit sa huling 300 metro tungo sa dominanteng panalo sa 1,800-meter race.

NUMEREO UNO! – Iminuwestra ni jockey JB Hernandez ang No. 1 sign sa pagtawid ni Princess Eowyn sa linya sa labanan sa MetroTurf.

NUMEREO UNO! – Iminuwestra ni jockey JB Hernandez ang No. 1 sign sa pagtawid ni Princess Eowyn sa linya sa labanan sa MetroTurf.

Naitala ng reigning Sampaguita Stakes Race champ ang bilis na 1:55.6, sa tyempong quartertimes na 14, 22, 23, 25 at 30 segundo.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Medyo hindi maganda ang alis ng kabayo ko, kaya ang ginawa ko, sabi ko sa kabila naman, sigurado lalakas naman ang ere namin. So mi-nentain ko lang ang puwesto ko. Sa rekta ko nakuha, noong umigkas pa, sabi ko panalo na ito,” pahayag ni Hernandez, gumabay din sa impresibong panalo ng Work Bell sa nakalipas na linggo sa Juvenile Filles and Colts Stakes Race.

Tinanggap ng may-ari na si Edward Vincent Diokno ang P1.2 million premyo para sa panalo ng Princess Eowyn, isang 5-year-old filly mula sa lahi ng Keep Laughing at Dona Carmela.

Naiuwi naman ng Shanghai Grey (owner Melanie Habla, jockey Kevin Abobo) ang second-place purse na P450,000, habang ang Obra Maestra (Leonardo Javier Jr., JB Guce) at Two Timer (Rancho Santa Rosa, JP A Guce) ay nag-uwi ng  P250,000 at P100,000, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, naitala ng Viva Morena (jockey Dan Camanero) ang come-from-behind win para sa premyong P300,000 sa 4YO and Above Open Stakes Race.

Pangalawa ang Gomper Girl (JD Flores) para sa P112,500, kasunod ang Stella Malone (JB Hernandez) na may P62,500.

Nagbukas na ang Off Track Betting Stations sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) kaakibat ang pagpapatupad ng mahigpit na ‘safety and health’ protocol. Ngunit, bukas pa rin para sa mananaya ang sistema na ginagamit sa Metro Turf races na Fastbet, habang sa San Lazaro Leisure Park (Manila Jockey Club) at Saddle and Clubs (Philippine Racing Club) ay gamit ang betting platform Telebet.

Mahigpit pa ring ipinatutupad ang safety protocols sa MetroTurf para maiwasan ang hawaan sa COVID-19. Tanging mga racing clubs' employees, Philracom personnel, horse-owners, jockeys, trainers at special guests ang pinapayagan sa venue para masiguro ang 25 percent crowd na itinakda ng IATF.

Suot ng mga jockeys ang special face masks at eye gear, habang ang mga trainers at iba pang horse-racing personnel at workers sa stables ay may suot na hazmat at iba pang protective equipment.