Bubuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 12 provincial bus routes mula sa Metro Manila simula sa Setyembre 30.
Ang nasabing mga rutang papalabas ng Metro Manila ay kinabibilangan ng Region 3 (Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales) at Region 4A.
Sa inilabas na Memorandum Circular (MC) 2020-051 ng ahensya, maari nang bumiyahe ang mga pampublikong bus na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity.
Dapat ding nakarehistro ang bawat unit ng bus sa Personal Passenger Insurance Policy sa mga rutang nakapaloob sa MC nang walang Special Permit.
Subalit kapalit ng special permit ay ang QR Code na itatalaga sa bawat operator na dapat ilagay sa paper bond at idikit sa kanilang mga unit.
Bukod dito, obligado rin ang mga operator na maglagay ng Global Positioning Satellite System (GPS) upang mamanmanan ang kanilang biyahe.
Jun Fabon