Nanawagan si Senator Leila de Lima sa mga biktima ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na huwag payagang baguhin ang kasaysayan sa paggunita na rin ng ika-48 anibersaryo ng batas militar.

“As we commemorate the anniversary of the declaration of Martial Law, we do not just recall the atrocities under the late dictator Ferdinand Marcos, we also express our continued condemnation of a tyrannical regime that has plundered our nation; we seek justice for the victims of torture, enforced disappearances and murder at the hands of an ignominious leader,” ayon sa senador.

Ibinaba ni Marcos ang Martal Law noong Setyembre 21, 1972 , at ito ay nakonsidera rin bilang pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa kung saan libu-libo ang naging biktima at ang ilan ay hindi na muling nakita pa.

Iginiit pa ni De Lima na ang pait ng batas militar ay nararanasan na sa kasalukuyang administrasyon kung saan talamak din umano ang pag-abuso sa mga karapatang-pantao.

‘Ipinanganak tayong ready!' Sen. Robin, kakayanin daw pagiging Vice President

Leonel Abasola