HINDI na rin pahuhuli ang chess sa professional level.

Ipinahayag ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na ilulunsad ang kauna-unahang professional chess tournament sa bansa sa binuong Professional Chess Association of the Philippines.

“Sa sports ng chess proven na for the longest time na hindi nahuhuli ang Pinoy. Our chess players are among the best in the world. Napapanahon na magkaroon ng professional sa kanilang hanay,” pahayag ni Mitra.

Pormal na ilulunsad ang grupo sa gaganapin media conference via zoom bukas ganap na 10:00 ng umaga na mapapanood sa Facebook livestreaming ng GAB.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Pangungunahan nina Asia’s first Grandmaster Eugene Torre at veteran chess Olympiad at record-holder 13- time National Champion Joey Antonio ang malalaking personalidad sa bagong professional chess group.

K a s a m a rin sa media c o n f e r e n c e sina Women International M a s t e r B e r n a d e t h Galas at National Master Marlon Bernardino.

-Edwin Rollon