Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III na huwag magbitiw sa tungkulin, at buo ang tiwala at kumpiyansa niya rito sa gitna ng mga panawagan na tanggalin ang huli dahil sa corruption scandal sa PhilHealth.

Sa kanyang pampublikong pahayag nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Duterte na dapat hayaan na lamang ni Duque na maganap ang pagsisiyasat dahil sa palagay niya na ang huli ay hindi sangkot sa katiwalian sa state health insurer.

“Secretary Duque, this is not the time for you to resign... I’ve heard stories about you going to resign. I have full trust in you,” sinabi niya kay Duque.

“Wala ka doon sa ano… Tiningnan namin yung papel,” dagdag niya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“There’s an investigation going on. Let it be. If you are not guilty of corruption --- ang kalaban ko lang ho yung corruption, “ patuloy niya. Ayon sa Pangulo, si Duque ay maaaring masisi lamang sa kapabayaan ngunit sinabi na kahit ito ay normal sa paghawak ng isang malaking samahan tulad ng PhilHealth.

“If you handle a big organization---I had a chance when I became mayor and then President. Talagang mane-negligent ka kasi hindi mo mahabol minsan eh. And sometimes mawala yung papel,” Duterte said.

“What matters is yung corruption. Kung hindi ka corrupt, wala ka namang, you do not have any reason to resign,” aniya.

Bilang tugon, pinasalamatan ni Duque ang Pangulo sa kanyang patuloy na pagtitiwala at kumpiyansa sa kanya. Ipinahayag din niya ang pagkadismaya tungkol sa pagkakaugnay sa katiwalian sa PhilHealth --- partikular ang labis na presyo sa pagbili ng mga item na may kaugnayan sa teknolohiya ng impormasyon at maling mga paratang.

Ayon kay Duque, ang mga pumirma para sa mga claim at pagbili ay hindi kasama sa listahan ng mga inirekomendang tao na dapat singilin.

“Yung hindi pumirma yun lang ang dinawit. Parang bakit naman ganoon? Height of injustice. Unfairness, masakit po yun, Sir,” aniya. “Hindi ko matanggap lang sa dibdib ko, eh. Hindi ako nakakatulog dahil dito, Sir,” dagdag niya.

Tinapos na ng Senate Committee of the Whole legislative inquiry sa mga kontrobersiya na bumabalot sa PhilHealth at inirekomenda na sibakin si Duque, at iba pa, upang malinis ang state insurer.

-Argyll Cyrus B. Geducos