Hinimok ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang publiko na bumili ng mga lokal na produkto upang matulungan ang mga tagagawang Pilipino sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

Ginawa ni Nograles ang pahayag habang pinapaalalahanan niya ang publiko na sundin ang mga minimum na health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield sa tuwing lumalabas sila upang bumili ng mga kalakal.

“Magsuot ng face mask, huwag kalimutan ang inyong face shield, bumili ng mga produktong gawa ng Pilipino,” sinabi niya.

“Ang mga local food producer at local food manufacturer ay makikinabang nang malaki mula sa suporta ng mga mamimili, lalo na’t kung titingnan natin ang kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya,” dagdag niya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinabi ni Nograles, namumuno sa Zero Hunger Task Force ng gobyerno, na ang lokal na kalakal ay nangangailangan ng suporta ng gobyerno at ng mga mamamayan upang mapagtagumpayan ang mga hamon na idinulot ng pandamihang COVID-19.

“Ang food manufacturing ay isa sa mga industriya na nakahandang mag-ambag para sa pagbangon ng ekonomiya, dahil palaging may pangangailangan para sa pagkain,” aniya.

Itinuro ng opisyal ng Palasyo na ang food manufacturing industry ay may malaking potensyal dahil sa pangangailangan para sa pagkain, ipinunto na ang sektor ng manufacturing ay nag-aambag ng 23-24 porsyento ng taunang gross domestic product (GDP).

“Kapag sinusuportahan natin ang local food producers at manufacturers sa pamamagitan ng pagtaguyod sa kanilang mga produkto, tinutulungan natin silang magpatuloy at magpalago kasama na ang mga kaugnay na pagkakakitaan,” sinabi ni Nograles.

Hinimok din niya ang publiko na bumili ng mga produktong Pilipino dahil ito ay world-class at mas mura kumpara sa mga imported.

“Ang mga locally-manufactured na produktong pagkain ay world-class at sa maraming pagkakataon, ang mga ito ay mas mura kaysa sa kanilang imported na mga katapats),” sinabi ni Nograles.

“Makakatipid ka na, makakatulong ka pa sa kapwa mo Pilipino, “ dagdag niya.

-Argyll Cyrus B. Geducos