NO work muna for Kris Aquino hanggang matapos ang 2020 dahil hindi siya binigyan ng fit to work clearance ng doktor niya.

kris

Kaya habang nagpapalakas at walang pinagkaka-abalahan ngayon si Kris ay join muna siya sa panganay niyang si Joshua Aquino na kasalukuyang naninirahan ngayon sa Tarlac dahil gusto nito ng tahimik at masarap na simoy ng hangin.

Sumakto naman dahil nga need ni Kris ng stress-free environment para mapagpatuloy ang recovery ng health niya.

Events

Unica hija ng DongYan, nag-fan girling sa concert ni Olivia Rodrigo

Oo nga, aanhin mo ang maraming kita kung sa hospital bills naman mapupunta ang lahat.

Kaya sa mga nag-aabang kay Kris ay sa 2021 na ninyo siya muling mapapanood at don’t worry marami siyang offers kaya chill lang muna siya now at pinalilipas muna ang COVID-19 pandemic.

Oo nga delikado ring mag-work today sa production lalo’t ang daming positive sa mga staff na hindi mo alam baka ma-encounter mo na.

Habang sinsusulat namin ito ay deactivated ang Instagram account ni Kris dahil gusto niyang mag-relax muna at namnamin ang buhay-probinsya.

- REGGEE BONOAN