ISA pang player – Brent Paraiso – ang umalis sa bakuran ng University of Santo Tomas Growling Tigers.

Kinumpirma ng 6-foot-2 guard ang kanyang pag-alis sa pamamagitan ng kanyang post sa social media account (Twitter).

Isang taon lamang naglaro para sa UST si Paraiso matapos niyang magsit out noong Season 81 pagkaraang lumipat mula sa De La Salle University.

Malaking kawalan si Paraiso na isa sana sa aasahang senior player na mamumuno para sa Tigers sa darating na season.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hinihinalang na pressure din si Paraiso nang lumabas ang kanyang pangalan sa ‘group chat’ na inilabas ng umalis na ring si CJ Cansino.

Sa naturang group chat, isiniwalat ni Paraiso ang hindi magandang kundisyon ng kanilang tinutuluyan sampu ng kanilang kinakai sa nabunyag na Sorsogon training ng Tigers na pinatotohanan naman nina Cansino, Rhenz Abando,reigning UAAP Seniors MVP Soulemane Chabi Yo at incoming rookie Paul Manalang.

Sa pag-alis ni Paraiso, nawala na rin ang huling taon upang makapaglaro siya sa UAAP. I n a s a h a n g ma g p o - p r o na lamang si Paraiso.

-Marivic Awitan