ISANG buwan matapos magtungo ng Estados Unidos, nakatanggap na "offer" mula sa isang Division 1 school si Cholo Añonuevo.

Natanggap ng dating Far Eastern University Baby Tamaraws all-around 6-4 guard ang alok upang maglaro para sa Tennessee State University kahapon ng umaga (oras dito sa Pilipinas).

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Mismong si TSU coach Penny Collins ang nakipag-usap kay Añonuevo sa pamamagitan ng Zoom.

“We are offering you an athletic scholarship to Tennessee State University,” ayon kay Collins.

Ang nasabing alok kay Anonuevo ang unang offer na natanggap niya mula sa isang kolehiyo sa US.

“Overwhelmed. Just overwhelmed,”ang tanging nasabi ng 18-anyos na manlalaro.

Noong nakaraang Hulyo 24 nagtungo ng US si Añonuevo upang magsanay sa Atlanta-bases East West Private agency.

Ang Tennessee State University naman ay isang US NCAA Division I team na kabilang sa Ohio Valley Conference. Marivic Awitan