Bebe Ghorl at Barby Ghorl’ twins ang ginagampanang karakter nina Paolo Ballesteros at Wally Bayola sa bago nilang programang Bawal na Game Show na line produced ng Archangel Media sa TV5 na napapanood tuwing Martes at Huwebes sa ganap na 7:30PM at 7:00 PM kapag Sabado.

paolo at wally

Kung tutuusin hindi na bago ang karakter na bakla-baklaan sa show sina Paolo at Wally dahil ganito rin ang ginagawa nila sa Kalye Serye segment ng Eat Bulaga bilang sina Lola Tidora at Lola Nidora respectively.

Kung mga matatanda na ang karakter nila sa Kalye Serye ay iba naman sa Bawal na Game Show dahil mga dalaga sila at may inputs daw sila habang binubuo nila ang kanilang karakter na karamihan ay kay Paolo galing kung ano ang mga dapat nilang isuot tulad ng mga sapatos, damit, makeup at iba pa.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

‘Yung game namin, maraming bawal, pero hindi bawal ang manalo. Unang round,

Bawal ang Ma-Fall ang mga kontestants na may mga nakalagay sa ulo at tapos maraming ipapagawa pero hindi dapat mahulog ang mga ito.

“Sa seond round, Bawal Ang Da-Moves kahit nakaharap sa ‘yo ang ahas kailangan hindi kagagalaw, makikipagtitigan ka lang sa ahas ganu’n. Hindi lang puro ahas, maraming iba pa na kaharap mo pero hindi ka talaga gagalaw.

“Tapos ‘yung third round, Bawal Ang Sablay ‘yung dalawang huling contestant na nanalo sa dalawang naunang round ay may series of tricky format questions habang iikot ka sa hilocopter sa long ng 10 seconds! At posibleng manalo ng P50,000 kasa episode.

“At walang uuwing luhaan dahil lahat ng hindi mananalo may matatanggap.

Inamin nina Paolo at Wally na sobra silang blessed dahil bukod sa Eat Bulaga ay may bago ulit silang trabaho at bagong bahay ang TV5 na kahit sa panahon ng pandemya ay hindi sila pinagbawalang magtrabaho kahit na Bawal na Game Show ang programa nila.

Sumusunod sa health protocol ang buong production ng programa dahil kada apat na oras ay pinagpapalit na sila ng face masks at ilang beses dini-disinfect ang studio at lahat ng staff ay naka –PPE o personal protective equipment.

Kaya sa mga gustong sumaya ang araw at habang nanonood ay magkaka-pera ay manood lagi ng Bawal na Game Show.

-Reggee Bonoan