Kahit magiging busy na si Alden Richards sa pagti-taping ng bagong show niya sa GMANetwork, tuloy pa rin siya sa pagsusulong ng bago niyang adbokasiya para sa isang kampanya ng USAID na #EndTB, na kaisa rin ang kanyang home network.
“Bilang ambassador po nito, layunin din namin na ipalaganap ang impormasyon tungkol sa tuberculosis, pagwaksi sa stigma ng sakit, at ang kahalagahan na magkaroon tayo ng healthy lifestyle,” wika ni Alden.
“Honored ang grateful po ako na napili as #EndTB Ambassador supporting the #TBFreePh campaign. I am excited for this new role and I hope I will be able to contribute to this public health advocacy. I have always been promoting a healthy lifestyle kaya I am embracing this challenge to promote health seeking behaviour for tuberculosis, lalo ngayong nasa gitna po tayo ng pandemic,” aniya pa.
Samantala, finalist si Alden bilang Sexiest Man in the Philippines 2020 ng Starmometer.com na nagsimula noong August 14 at magtatapos August 24, kaya pwede pang bumoto ang mga global fans sa Facebook, Twitter at Instagram accounts ng entertainment site.
-NORA V. CALDERON