NINE months na ang ipinagbubuntis ni Coleen Garcia at ibig sabihin, malapit na siyang manganak at malapit na nilang makita ng asawang si Billy Crawford ang kanilang panganay.

coleen

Sa pinost na photo ni Coleen na kung saan, makikita siya in her most pregnant glory, ang ganda ni Coleen, hindi naman masyadong nadagdagan ang timbang. Ang

tingin nga namin, mga hita lang niya ang lumaki at at kanyang boobs.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Ang gandang basahin ng comments ng mga kaibigan ni Coleen gaya ni Vice Ganda na ang sabi, “ang ganda ganda ganda mo!!!,” ang “anytime now you will meet your 1st Angel,” ang “looking lovely” na comment ni Soleen Heussaff at marami pang comments.

Sa isang pang post ni Coleen, nag-comment si Billy at sabi nito, “I don’t deserve someone as beautiful as you! I love you my love @coleen.” Sumagot si Coleen ng “@billycrawford And I don’t deserve someone as sweet, thoughtful & caring as you, Love you alwayssss my love. Even though you forgot my water again today.”

-Nitz Miralles