BACK-TO-BACK ang premiere airing nitong Sabado ng dalawang bagong game shows ng TV5, ang Fill in the Bankat Bawal na Game Show.

Sa Fill in the Bank kasama sina Jose Manalo at Pokwang ay binigyan nila ng ibang katuturan ang mga salitang ayuda at PPE sa nakakaaliw na laro gamit ang Ayuda Teh! Machine (ATM) at Panghakot na Papremyo Equipment (PPE). At siyempre, nagpaulan sila ng papremyo sa viewers.

More ayuda at pera nga ang hatid ng Fill in the Bank sa regular airing nito tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes mula 7:30pm sa TV5.

Kasamang makikisaya ngayong buwan sina Aubrey Miles at Jacq Yu para sa Episode 2 (Agosto 17), basketball players Matthew Wright at Robert Bolick para sa Episode 3 ( Agosto 19), at volleyball players EJ Laure at Eya Laure para sa Episode 4 (Agosto 21).

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Samantala, nakakaaliw at nakakabaliw na batas naman ang ipinatutupad ng Ghorl Twin hosts na sina Beebe Ghorl Wally Bayola at Barby Ghorl Paolo Ballesteros sa Bawal na Game Show. Regular na rin itong mapapanood tuwing Martes at Huwebes ng 7:30pm, at Sabado ng 7pm.

Aabangan sa Bawal na Game Show sina Jameson Blake, Josh Colet, Luke Conde at Miko Raval para sa Episode 2 (Agosto 18); SexBomb Girls Jopay Pagua, Mia Panyarihan, Mhyca Bautista at Louise Bolton para sa Episode 3 (Agosto 20); at mga komedyanteng sina Jayson Gainza, Pepe Herrera, Jeffrey Tam at DJ Jai Ho para sa Episode 4 (Agosto 22).