MAINIT-INIT ang usapan na naging emotional ang conversation ni KC Concepcion with renowned broadcast-journalist Luchi Cruz-Valdez. Sa bago nitong TV programa na Usapang Real Life, kinumusta ni Luchi ang batang aktres sa kanyang pinagkakabalahan ngayong limitado na ang galaw nito bunsod ng quarantine. Naging #realtalk nga talaga ang usapan nila!

kc

Makikita na ang anak ni Megastar ay hindi magpapatalo sa pagiging busy nitong quarantine. Bumuo si KC Concepcion ng isang collaboration sa mga kilalang chefs at fellow celebrities.

Tuloy-tuloy pa rin ang endorsements at sinusubaybayan parin siya ng mga milyong milyong niyang fans sa buong mundo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya naman talagang nakakapagtaka na may mga pinagsisisihan diumano itong ni KC sa kanyang buhay. Some say it could be about her break-up with her French boyfriend, Pierre. Pwede rin na dahil sa naudlot nilang relasyon ng Kapamilya aktor Piolo Pascual dahil nabanggit niya sa isang online interview with Toni Gonzaga na isa si Piolo sa mga gugustuhin niyang makasama kung sakali man na magkaroon si KC ng project ulit. Another possible regret could also be her strained relationship with her mother. If you notice, bihira or wala yata akong nakitang post ni KC kasama ang kanyang pamilya.

Kaya aabangan ko talaga ang interview ni KC sa Usapang Real Life with Luchi nitong Sabado, Agosto 15, 9-10 PM sa TV5.

-MERCY LEJARDE