BAGAMAT nabalahaw sanhi ng coronavirus pandemic, hangad ng PBA na ituloy ang plano nilang sariling 3x3 tournament.

Ilulunsad na dapat nitong Abril ang inaugural 3-a-side competition kasabay ng pagdaraos ng Philippine Cup ngunit nabinbin ito dahil sa COVID-19.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dahil dito, kinakailangan ng i-adjust ang kanilang plano upang maging angkop sa kondisyon sa ilalim ng kasalukuyang sitwasyon.

“We discussed the 3x3 in our meeting last Friday and the board formed a committee for that chaired by Alaska governor Dickie Bachmann,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

Makakasama ni Bachmann ang mga kapwa governors na sina Erick Arejola ng NorthPort at Raymond Zorrilla ng Phoenix, PBA technical official Joey Guanio at coach Ronnie Magsanoc ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Bago ang pandemic, ang PBA 3x3 ay magtatampok sana sa lahat ng kinatawan ng 12 teams ng liga kasama ng dalawang guest teams na maglalaro sa tatlong conferences.

Wala namang kinumpirma ang liga kung itutuloy nila ang pagdaraos ng unang 3x3 tournament  ngayong taon kung mapapahintulutan.

Marivic Awitan