Pinayuhan ni Ogie Diaz ang kapwa niya artistang si Arnel Ignacio na huwag niyang pigilan si Jennylyn Mercado na magsalita tungkol sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa gobyerno dahil may karapatan ang aktres bilang isang mamayang Pilipino, nagbabayad ng buwis at higit sa lahat, mahal niya ang bansang Pilipinas.

Kamakailan kasi ay viral ang sinabi ni Arnel na asikasuhin na lang ni Jennylyn ang career niya dahil maganda ito at ‘wag ng makialam sa isyu sa gobyerno bukod pa sa hindi rin ito linya ng aktres.

Sinagot ni Jen si Arnel na kailangan ba ng kuwalipikasyon para magsalita? Bawal daw ba maglabas ng opinyon?

Marami ang pumabor kay Jennylyn sa pagsagot niya kay Arnel dahil nga wala sa hulog ang sinabi ng dating Deputy Executive Director V ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nabanggit din ni Ogie ang sinabing ‘maganda ang career’ ngayon ni Jennylyn.

“Arnel, lahat ng artista apektado kaya ‘yung sinabi mong maganda ang career hindi kasi dapat tuluy-tuloy ang trabaho,’’say ni Ogie sa nakaraang FB Live tsikahan nila ni MJ Felipe nitong Sabado.

-Reggee Bonoan