SA interview kay Alessandra de Rossi ni Howie Severino sa programa nitong Quarantined With Howie Severino, sa GMA Network, inamin ng actress na work from home lamang siya, hindi siya lumalabas ng bahay, kahit nami-miss na niyang mag-grocery.

“Takot na takot akong lumabas,” sabi ni Alex. “Ayaw kong i-risk ang buhay ko, paano kung mahawa ako? May sakit ang daddy ko sa Italy, kahit gusto ko siyang puntahan, ayaw kong subukan. Covid-19 free ang lugar nila sa Italy, pero paano kung ako naman ang manghawa sa kanila? Mahina ang resistensiya ko, kaya talagang dito lamang ako sa bahay, sumusunod sa mga protocols.”

Puring-puri ng mga netizens, lalo na ang mga nakapanood sa Netflix ang pinag-uusapang movie na Through Night and Day ng Viva films na pinagtambalan nila ni Paolo Contis, at shot in Iceland, in 2018. Kailan ito masusundan?

“Dapat may gagawin akong movie by October, pero kung hindi pa magbabago ang kalagayan natin dahil sa Covid-19 pandemic, hindi ko iyon itutuloy. May resources pa naman ako, pwede akong magbenta ng gamit ko. Mayroon akong dalawang natapos na album, pwede ko itong ipasok sa Spotify at makakatulong sa akin ang kikitain ko roon. Kaya habang may pandemic, dito lamang ako sa bahay talaga.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

-NORA V. CALDERON