PATULOY na tatanggap ng ayudang cash ang mga atletang Pinoy na lalahok sa ipinagpalibang Tokyo Olympics na idaraos na lang sa 2021.

Nagkaloob ang MVP Sports Foundation (MVPSF) na pinamumuan ni businessman Manuel V. Pangilinan (MVP), ng P1.5 milyong ayuda para kay 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz upang magamit sa expenses sanhi ng pagpapaliban sa Olympics Games.

Samantala, sinabi ni Mikee Cojuangco-Jaworski, miyembro ng executive board ng International Olympic (IOC), na wala siyang planong tumakbo bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) sa halalan ngayong Nobyembre.

Ang kasalukuyang pangulo ay si Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino. Magiging kalaban niya sa panguluhan si Clint Arenas ng Archery.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Sinabi ni Mikee, anak ni dating Tarlac Rep. Jose “Peping” Cojuangco Jr. at dating pangulo ng POC, na hindi siya eligible para tumakbo sa halalan.

Samantala, ang Olympics na dapat ay idaos sa taong ito ay ipinostpone sa 2021 bunsod ng coronavirus pandemic.

“It was due to these unforeseen circumstances that we at MVPSF decided that it was best to realign our support to cover Hidilyn’s living expenses such as food and rent as she continues to remain focused towards her goal of winning the first Olympic gold medal for our country in her fourth time to qualify for the Olympics,” ayon kay MVPSF president Al Panlilio.

-Bert de Guzman