Ipinasa ng Kamara sa pangalawang pagbasa ang sertipikado bilang urgent na panukalang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte o ang sinusugang House Bill 6953 (“Bayanihan to Recover as One Act”) nitong Miyerkules.

Layunin ng panukalang batas na bigyan P162 bilyong pondo ang gobyerno bilang subsidy para mapabilis ang pagbangon o recovery ng ekonomiya ng bansa na labis na pininsala ng Covid-19.

Binanggit ni Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte, Jr. na bagamat ang Bayanihan 2 Act ay may limitadong pondo, ang P162 bilyon ay malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng Pilipinas, tulad ng paggamit sa COVID-19 testing, cash-for-work programs, repatriation at reintegration ng overseas Filipino workers, subsidiya sa transportasyon, turismo, Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), gayundin sa agrikultura at informal sectors.

Bert de Guzman

Sen. Imee sa muling pagkabuhay ni Kristo: 'Simbolo ng bagong simula'